Archive for March, 2007

eto na ako ngayon/finale

Sunday, March 25th, 2007

huwow. Ikadalawamput anim na araw na ng buwang marso. Ito ang nararapat na ikalawang taon namin. hehe, ngunit sa kasamaang palad, hindi namin natamo ang ganitong katagal na panahon ng pagsasama. Aba, ang nakaplano kong blog entry ngayon ay yung madrama sana ulit. Magbabanggit sana ako ng iwanan sa ere at iba’t iba pang masasakit na damdamin, ngunit napagtanto ko, Sarili ko na lamang ang pinahihirapan ko sa ganitong pamamaraan ng pag-iisip. Kanina lamang ay nagkausap kami. Tama ang desisyon kong kausapin siya sa ym. mabuting hakbang iyon. Ngayon, kasalukuyan namin pinoproseso at muling binubuo ang aming pagkakaibigan na sinira ng kasinungalingan at pagmamahal,hehe. Umaasa na lamang ako na nagiging totoo siya sapagkat ako’y handa na talagang limutin ang anu mang masalimuot naming nakaraan, hehe. Gusto ko nang pakawalan lahat ng galit at sama ng loob. Kaya kung maaari lang sana, magpakatotoo na tayong lahat. Ayoko nang maging plastik, mabigat lang sa loob eh. Magpakatotoo na tayo, game na ako. Bring it on.. hehe..fight.. Mga kaibigan, diyan lang kayo ah? di ko kasi alam,baka mamaya, nagoyo na naman ako..hehe.. *it ends tonight* Salamat..

                                                                     love,

                                                                     reyna ng quezon city

eto na ako ngayon/part 2

Saturday, March 24th, 2007

Wui, napaaga ata ang muling pagsusulat ko ng blog, hehe. Hai..dami ko pang dapat gawin, as usual, at hindi ko pa ito nauumpisahan. Pero..ngayon..mga saloobin muna, kei?

Akala ko noong una, sapat na ang galit at sama ng loob para mawala na lahat ng nararamdaman, para mamanhid, para magsawa. Akala ko kaya ko na, masyado na akong maraming pinagdaanan sa’yo, sawa na ako sa lahat ng sakit, akala ko iyon na iyon. Akala ko rin, tapos na ko sa’yo. Pero, ang sakit pa rin malaman na binura mo na ang mga litrato ng ating mga alaala at pinalitan na ng iba. *nakanang* Na sa’yo na rin pala ang kagustuhang matapos na tayo. Oo, alam ko, sinabi kong ayoko na, at pinaninindigan ko iyon. Gusto ko na lang maging masaya. Iyon na lang naman ang sa akin. Pero ayokong magkunwari, ayokong lokohin ang sarili ko na ayos ang lahat ng nangyayaring ito. akala ko na sa akin pa siya, pero wala na nga siguro. Mahirap, masakit, pero ito na nga maaari ang tamang hakbang na ginawa niya, ang tuluyan na akong pakawalan at lubayan

Haha, kung may nanunuod sa inyo ng maalaala mo kaya, na pinanood ko noong biyernes ng gabi sa condo ng kaibigan ko habang gumagawa ng papel, makakarelate kayo. Kwintas ang pamagat noong episode, si Sarah Geronimo at John Lloyd ang mga gumanap. Sabi nina aikka at jackie ang corny ko raw at kinikilig ako doon. Ang sabi ko naman, ‘natural, hopeless romantic ako eh.’ Sa loob loob ko naman,ang sabi ko sa sarili ko, ‘wala na kasi yung nagpapakilig sakin dati, iniwan na ko para kay kokak..’ hehe..hai leche..May mga eksena pa doon kung papaano sinuyo ni John Lloyd si Sarah geronimo noong niloko ni john lloyd si sarah nang makipagpustahan siya sa mga kaibigan niya. sobrang panunuyo ang ginawa ni John Lloyd, mala shan cai at dao ming si noong last episode ng meteor garden 1, hai..san ka kaya makakahanap ng ganung fafa noh? yung tatayo sa ulanan hanggang sa mapatawad mo siya.haha..asa pa.. Fafa yol, where are you?????hehe.. anyway.. katulad pa rin pala ako ng ibang babae, naghahanap ng knight in shining armor, naghahanap ng prinsipe. Oo na, sobrang konri at pangkaraniwan, eh bakit ba. Eh sa ganun eh. ‘Hindi niyo kasi ako naiintindihan!’ hehehe. Ang masasabi ko na lamang, eto na ako ngayon! sa tulong ng aking mga kaibigan, this too, shall pass! at makakaget-over din ako sa’yo! hehe.. may magmamahal din muli sa akin nang higit pa sa pagmamahal mo, haha.. at ipagtatanggol niya ako at magpapakabasa siya sa ulan dala ang isang bouquet ng mga bulaklak hanggang sa mapatawad ko siya sa panahong magkaaway kami, haha. *pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan din..lalalalala…* haha..hai.. nakakalungkot..good luck sa finals..galingAN dapat..

….tulong…..fafa, dumating ka na..iligtas mo na ako sa mundong mapang-api..hahaha..hai..

                                                                  love,

                                                                  reyna ng quezon city

Ako ang Reyna ng Quezon City

Thursday, March 22nd, 2007

[Verse 1]
Kailangan ko ng pera
pamasahe’t pambili ng pabango na
gagamitin sa gabing ito
at bilhan mo ako ng salamin
pantingin sa ‘king nagbabalat na skin

[Chorus]
Sapagkat ngayong gabi
ako ang reyna ng

quezon city

ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
‘pagkat sa akin ang gabi

[Verse 2]
At kailangan ko ng shampoo
pampabango at pampahid sa
buhok ko
at lagyan mo ako ng make-up
na babagay sa aking spaghetti
straps

[Chorus]
Sapagkat ngayong gabi
ako ang reyna ng

quezon city

ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
‘pagkat sa akin ang gabi

[instrumental]

[Chorus]
Sapagkat ngayong gabi
ako ang reyna ng

quezon city

ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
‘pagkat sa akin ang gabi

Ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
pagka’t sa akin ang gabi

eto na ako ngayon

Saturday, March 17th, 2007

eto na ako ngayon. Gulong gulo at hindi na alam ang gagawin. Ayon sa kanya, ‘parang ang tagal mong kumapit sa wala,’ ayon naman dun sa isa, ‘para kang ginawang laruan na kapag pinagsawaan, iniiwan at kapag gusto na ulit, tsaka babalikan,’ sabi niya, ‘nakikinikinita ko na ‘to. Ang isa naman, ’sobra na kc ehhhh’ ang bigkas niya.

Bakit ako? bakit hindi ko nakita? bakit patuloy akong umasa na magiging ayos din ang lahat? dahil siguro sinasabi rin ng iba na magiging ayos ang lahat, na dapat bigyan pa ng isa pang pagkakataon. Kaibigan nila siya, kaya yun ang sinabi nila. Hindi ko sila masisisi. Pero mali sila,mali ako, mali kami, hindi naging ayos ang lahat. Pare-pareho kaming kumapit sa kasinungalingan niya. Kumapit nga rin ba sila? o ako lang? ako nga lang. Dahil hindi naman sila ang kasali sa relasyon. Sabi ko sa kaibigan ko, ‘hindi ba pedeng apat kayo sa relasyon? para kapag nasaktan ka na ng sobra, may kakapitan kang makakaintindi talaga sayo.’ tumawa siya, napangisi. Kakat’wa nga siguro. Kasi sa totoo lang, walang makakaintindi sa’yo, wala talaga, dahil hindi nila pinagdaanan ang pinagdaanan mo. Hindi sila ang nakisama, hindi sila ang nasaktan. Pero eto na nga ako ngayon. Masasabi kong nasira talaga ako. at siya ang sumira sa’kin. Kinuha niya lahat lahat atsaka ibinasura sa mukha ko. nasayang ang mahigit dalawang taon ng pagsasama dahil sa hindi niya pagpapahalaga.

Pinilit mong maging tama, pinilit mong intindihin pero hindi iyon naging sapat para sa kanya. Kinailangan niyang ipagpalit ka at lokohin muli, pagkatapos niya sabihing huli nang pagkakataon yung huli. Ang saklap. ‘Bakit ako pa ang pinili mong lokohin?’sasabihin mo sa sarili mo.

pero ang pinakamasaklap, ang pinaka hindi kainti-intindi ay ang kagustuhan niyang makipagbalikan ngayon samantalang kagabi ay ‘they unite’ (whatever that means..). malinaw na may gusto siya doon. ang mga larawan at mismong mga sinasabi niya sa akin ay walang ibang idinidikta kung hindi, ‘gusto ko siya.’ pwes, magsama kayo. Hindi na ako magpapakatanga. Nagawa mo nang pagmukhain akong tanga sa mga kaibigan mo, sa’yo at higit sa lahat, sa sarili ko. Oo na. Magaling ka na. Nakapagpapapikot ka na nga tao. May kinabukasan ka nga sa abogarsya. Ayoko sanang mang-away. Gusto ko nang manahimik pero bakit ikaw pa ang nanggugulo. Nasaktan na ako, ang gusto ko na lang ay makabangon sa pamamagitan ng sarili kong lakas. Bakit hindi mo pa ako mapagbigyan. Bakit pati yung natitira sa akin ay pinipilit mo pang kunin.

ang drama, oo na. wala kasing aesthetic distance, ayon kay fafa yol. Hindi nararamdaman ng mambabasa ang nag-uumapaw na emosyon ko. nagiging rant daw, ayon muli kay fafa yol. Pero bahala na. Eto na nga ako ngayon. Sira na ako, umaasang maging maayos muli. Sana may tumulong pero tingin ko, dapat ayusin ko muna ang sarili ko nang mag-isa. Para maging mas matatag. Sana lang andiyan pa rin yung mga kaibigan kong makakapitan ‘when the going gets tough, and the tough gets going’ kasi minsan, may mga panahong hindi na talaga kaya. Masyado na.. Sobra na.. Salamat sa mga andun noon. Salamat sa inyong mga nagsabi ng mga katagang nasa ibabaw.

at ako, ang masasabi ko na lamang ay…huhuhuhu…at…..kokak, kokak, kokok… mabuhay kayo.