eto na ako ngayon

eto na ako ngayon. Gulong gulo at hindi na alam ang gagawin. Ayon sa kanya, ‘parang ang tagal mong kumapit sa wala,’ ayon naman dun sa isa, ‘para kang ginawang laruan na kapag pinagsawaan, iniiwan at kapag gusto na ulit, tsaka babalikan,’ sabi niya, ‘nakikinikinita ko na ‘to. Ang isa naman, ’sobra na kc ehhhh’ ang bigkas niya.

Bakit ako? bakit hindi ko nakita? bakit patuloy akong umasa na magiging ayos din ang lahat? dahil siguro sinasabi rin ng iba na magiging ayos ang lahat, na dapat bigyan pa ng isa pang pagkakataon. Kaibigan nila siya, kaya yun ang sinabi nila. Hindi ko sila masisisi. Pero mali sila,mali ako, mali kami, hindi naging ayos ang lahat. Pare-pareho kaming kumapit sa kasinungalingan niya. Kumapit nga rin ba sila? o ako lang? ako nga lang. Dahil hindi naman sila ang kasali sa relasyon. Sabi ko sa kaibigan ko, ‘hindi ba pedeng apat kayo sa relasyon? para kapag nasaktan ka na ng sobra, may kakapitan kang makakaintindi talaga sayo.’ tumawa siya, napangisi. Kakat’wa nga siguro. Kasi sa totoo lang, walang makakaintindi sa’yo, wala talaga, dahil hindi nila pinagdaanan ang pinagdaanan mo. Hindi sila ang nakisama, hindi sila ang nasaktan. Pero eto na nga ako ngayon. Masasabi kong nasira talaga ako. at siya ang sumira sa’kin. Kinuha niya lahat lahat atsaka ibinasura sa mukha ko. nasayang ang mahigit dalawang taon ng pagsasama dahil sa hindi niya pagpapahalaga.

Pinilit mong maging tama, pinilit mong intindihin pero hindi iyon naging sapat para sa kanya. Kinailangan niyang ipagpalit ka at lokohin muli, pagkatapos niya sabihing huli nang pagkakataon yung huli. Ang saklap. ‘Bakit ako pa ang pinili mong lokohin?’sasabihin mo sa sarili mo.

pero ang pinakamasaklap, ang pinaka hindi kainti-intindi ay ang kagustuhan niyang makipagbalikan ngayon samantalang kagabi ay ‘they unite’ (whatever that means..). malinaw na may gusto siya doon. ang mga larawan at mismong mga sinasabi niya sa akin ay walang ibang idinidikta kung hindi, ‘gusto ko siya.’ pwes, magsama kayo. Hindi na ako magpapakatanga. Nagawa mo nang pagmukhain akong tanga sa mga kaibigan mo, sa’yo at higit sa lahat, sa sarili ko. Oo na. Magaling ka na. Nakapagpapapikot ka na nga tao. May kinabukasan ka nga sa abogarsya. Ayoko sanang mang-away. Gusto ko nang manahimik pero bakit ikaw pa ang nanggugulo. Nasaktan na ako, ang gusto ko na lang ay makabangon sa pamamagitan ng sarili kong lakas. Bakit hindi mo pa ako mapagbigyan. Bakit pati yung natitira sa akin ay pinipilit mo pang kunin.

ang drama, oo na. wala kasing aesthetic distance, ayon kay fafa yol. Hindi nararamdaman ng mambabasa ang nag-uumapaw na emosyon ko. nagiging rant daw, ayon muli kay fafa yol. Pero bahala na. Eto na nga ako ngayon. Sira na ako, umaasang maging maayos muli. Sana may tumulong pero tingin ko, dapat ayusin ko muna ang sarili ko nang mag-isa. Para maging mas matatag. Sana lang andiyan pa rin yung mga kaibigan kong makakapitan ‘when the going gets tough, and the tough gets going’ kasi minsan, may mga panahong hindi na talaga kaya. Masyado na.. Sobra na.. Salamat sa mga andun noon. Salamat sa inyong mga nagsabi ng mga katagang nasa ibabaw.

at ako, ang masasabi ko na lamang ay…huhuhuhu…at…..kokak, kokak, kokok… mabuhay kayo.

Leave a Reply