*masabi lang na nag-update ng blog
Thursday, July 19th, 2007walang magawa, matagal tagal na ring hindi nakakapag-update ng blog.. So..anong bago? wala naman masyado. ang hirap na sa school, ang dami nang ginagawa. As in. Parang araw araw kailangan nang mag-aral. Nakakatamad na, huhu. Tuwing sabado may nstp sa umaga tapos pagdating ng hapon nahirit naman yung org ko na may training. Uo, ayun bago! nakasali ako sa entablado, isa sa mga theatre orgs ng ateneo. Hehe. Amazing diba? Isa sa mga pagnanasa kong ngayon lang natugunan. Hehe. Anyway, ayun. Ayos pa naman ang lahat sa buhay. Namimis ko na tagaytay. Ilang linggo na ko di nakakauwi. This week sana makauwi kasi…. kasi….yihee…haha. Basta, ayon. Nakakalungkot.. Namimiss ko na rin mga kaibigan ko nung high school. Totoo. Talagang talaga. Kailan pa kaya kami magkikita-kita ulet. Ang dami kong taong gusto nang makita ulet matapos ang mahabang panahon..hehe. Ang dami kong gustong puntahan at pasyalan, huhu..ang mall hoping namin ni avianne..Hai.. kelan pa kaya.. Ang daming pelikulang di pa rin napapanuod. Goodness. Ang haba na ng listahan. Anyway, ganto raw talaga buhay estudyante sabi niya. Wala na raw magagawa, hehe. Pyn. Ayun lang, sana makarinig ako mula sa mga kaibigan ko. Pero di pa rin sapat yun eh. Huhu. Sa sembreak. sana..sana..
out
~Aneng!