naniniwala ba kayo sa hula?
Friday, January 11th, 2008Nagdala ng mga manghuhula ang pinsan ko sa condo. Sila kasi yung part sa pamilya na sobrang naniniwala sa pamahiin at hula hula. Nakisabit na rin ako nang simulan nilang basahin ang mga palad ng kamag-anak ko. So far, eto naman ang sabi ng manghuhula:
Bata pa raw ako kaya magbabago pa raw mga guhit ng palad ko.
Ingatan ko raw ang health ko (bakit kaya, katakot..)
At ang pinaka nakaagaw ng atensyon ko, mag-ingat raw ako, mayroon daw akong kaibigang maninira sa akin. Isang malapit na babaeng kaibigan ang magpapakilala sa akin ng lalaki at sisiraan at ichichismis ako. Hmmm…sino kaya.. nabibilang naman ang malalapit kong mga kaibigan. hehe.
Iyon lang, sharing. Makapag-update man lang ng blog. =p