Naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba mga sinulat mo sa RC handbook ng mga kaklase mo habang graduation practice?
Naaalala mo pa ba chorva mo noong highschool?
Naaalala mo pa ba kung pa’no mo sinasabing kayo forever ng chorva mo?
Naaalala mo pa ba ang katakawan ng klase niyo?
Naaalala mo pa ba mga pagkain sa christmas party niyo?
Naaalala mo pa ba mga programs niyo sa school?
Naaalala mo pa ba ang mga nangyari sa programs na yun?
Naaalala mo pa ba mga napanalunan niyong mga contest?
Naaalala mo pa ba mga teachers mo?
Naaalala mo pa ba kung sinong mga teacher ang nakagalitan ka?
Naaalala mo pa ba kung sinong mga teacher ang natutuwa sa’yo?
Naaalala mo pa ba ang mga subjects na kamuntik mo nang ibagsak?
Naaalala mo pa ba ang intrams?
Naaalala mo pa ba ang mga booths na nakatayo tuwing intrams?
Naaalala mo pa ba ang celestial?
Naaalala mo pa ba kung sinong isinayaw mo nun ng slow?
Naaalala mo pa ba kung sinu-sino ang mga inasar sa’yong may crush daw sa’yo?
Naaalala mo pa ba mga mga crush mo?
Naaalala mo pa ba mga nagbigay sa’yo ng rosas o/at tsokolate noong Valentine’s?
Naaaalala mo pa ba mga binigyan mo ng rosas o/at tsokolate noong Valentine’s?
Naaalala mo pa ba ang prison booth?
Naaalala mo pa ba ang patok na patok na booth na may bisikliteng pinarerentahan?
Naaalala mo pa ba ang retreat?
Naaalala mo pa ba ang kwento ng mga buhay buhay ng mga kaklase mong noon mo lamang narinig?
Naaalala mo pa ba mga inuman noon?
Naaalala mo pa ba kung saan nagaganap ang mga inuman na yun?
Naaalala mo pa ba mga nangyayari sa tuwing nag-iinuman?
Naaalala mo pa ba mga kinaiinisan mo noon sa klase?
Naaalala mo pa ba ang tropa mo nung 1st year? 2nd year? 3rd year? eh nung 4th year?
Naaalala mo pa ba ang JS Prom?
Naaalala mo pa ba suot mo nun?
Naaalala mo pa ba sapatos na suot mo nun?
Naaalala mo pa ba kung saan ka nagpaayos nun?
Naaalala mo pa ba yung pagkain nung JS?
Naaalala mo pa ba kung sino mga nakasayaw mo nun?
Naaalala mo pa ba ang graduation?
Naaalala mo pa ba kung umiyak ka?
Naaalala mo pa ba kung sinong mga niyakap mo noon?
Naaalala mo pa ba kung sinong mga kinamayan mo noon?
Naaalala mo pa ba buong pangalan ng lahat ng mga naging kaklase mo?
Naaalala mo pa ba mga kinuhanan mo ng college entrance exam?
Naaalala mo pa ba kung saan saan ka pumasa?
Naaalala mo pa ba unang araw mo sa kolehiyo?
Naaalala mo pa ba una mong kinausap nung nasa kolehiyo ka na?
Naaalala mo pa ba kung kailan una mong ikinwento ang tungkol sa highschool mo sa mga college friends mo?
Naaalala mo pa ba kung kailan mo huling inalala ang mga ito?
Naaalala mo pa ba kung kailan kayo huling nagkita-kita ng mga kaibigan mo nung high school?

Marami pa. Marami pang dapat alalahanin. Marami pa nga siguro akong hindi naisama dito. Eto ang nangyayari kapag habang naghihintay ka magbagong taon eh binuklat mo ang mga lumang sulat, handbook at yearbook mo. Mapapaisip ka. Matatawa. Tas magtataka, bakit nga ba hindi kami nagkikita-kita, o kaya ‘di ko na nakita mukha nung isang yun ah, ano na kaya nangyari dun? Kailan kaya kami makukumpleto?” Tamo, itry mo. Haha.

May maliit na party daw ang hannibal, IS. Sa Jan 3-4, sa farm nina M.A.E. 3pm daw magkikita kita sa Rob Imus. Marami-rami sana ang makapunta.

2 Responses to “Naaalala mo pa ba?”

  1. binog Says:

    anu be yen! biglang nagpublicize ng reunion! hahaha! wakokok! nagulat ako insan!! haha!

  2. uhmmellein Says:

    Di ko kasi alam kung panong selected contact kagaya ng sa multiply eh! hahaha.

Leave a Reply