Napapansin ko lang ha.

December 1st, 2007 by uhmmellein

Napapansin ko lang ha, lahat ng tao ngayon masyado nang nagpapakatalino. Masyado nang naluluklok sa pag-aaral. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako nag-aaral pero parang masyado nila dinadala sa lahat ng lugar ang napag-aralan nila. Hmmmm…teka…. ang pangit ng labas. Haha. Ang sinasabi ko lang, lahat na lang may mas malalim na interpretasyon, lagi na lang things are not what they seem. Masyadong inaassume ng mga tao na may malalim na kahulugan ang mga bagay bagay. Eh pano na nga kung yun lang pala talaga ang ibig sabihin nun? Bakit pa hinuhukay masyado? Edukado tayo, pero inang yan. Loosen up people. There’s more to life than just studies. Oh diba, kapapanuod ko lang kasi kanina ng Just Like Heaven. Hindi dapat husgahan ang tao sa pamamaraan ng kanyang pananalita maging sa mga salitang pinipila niya upang ipahiwatig ang kanyang saloobin. Eh ano kung jologs ka? Eh ano kung hindi purong tagalog o purong ingles itong blog ko? Nababawasan ba ang pagkatao ko? Ngumiti naman kayo. Bakit ko ba tinatype to? wala lang. Lahat kasi masyado nang nagpapakatalino. Inang yan, walang sense. haha. Kapag kausap ko mga kaibigan ko sa kolehiyo marahil iirapan ako ng mga kaibigan ko nung high school, baka lang ha. Haha. Nakakasabaw kasi ang pamamaraan namin ng pag-uusap. Kahit ako minsan napapatigil kasi nalolost op words ako. Anyway. Chillax lang, maraming chorva jan. Magpakajologs ka lang, kaibigan mo pa rin ako, sabay tayong lalakbay sa kalawakan ng kajologsan. Nais ko nga rin pala ipromote ang blog ng fil prof ko. Walang kupas, lagi akong napapatawa nito. Sa sandali ng kalungkutan, ito ang aking tanggulan: www.akosiyol.blogspot.com

Ellein Toledo lang po.

post script
parang galit na gait ako eh,noh? haha..hindi naman..chaka lang yan..

Just Friends by Gavin Degraw

November 27th, 2007 by uhmmellein

I saw you there last night
Standing in the dark
You were acting so in love
With your hand upon his heart

But you were just friends
At least that’s what you said
Now I know better from his fingers in your hair
I forgive you for what you’ve done
If you say that I’m the one

I’ve had other options too
But all I want is you
Girl your body fits me like a glove
And you shower me with words of love

And you were just friends
At least that’s what you said
Now I know better from his fingers in your hair
I forgive you for what you’ve done
If you say that I’m the one

It’s not my style to lay it in on the line
But you don’t leave me with a choice this time
Why weren’t you true?
You know I trusted you

When you were just friends
At least that’s what you said
Now I know better from his fingers in your hair
I forgive you for what you’ve done
If you say that I’m the one

You were just friends
At least that’s what you said
Now I know better from his fingers in your hair
I forgive you for what you’ve done
If you say that I’m the one

I’ll forgive you for what you’ve done
If you say that I’m the one

I’ll forgive you for what you’ve done
If you say that I’m the one

I’ll forgive you

I want to be

October 30th, 2007 by uhmmellein

    I’ve been through a really bad break-up, my friends know that. My last real relationship was an on and off kind of thing. We broke up,got back together, broke up again and got back together. Hell, to sum it up, just repeat the breaking up and getting back together for about five times. Tough love and I have to admit, it was a really hurtful time. But at some point, we finally both came to our senses and acknowledged the fact that we weren’t cut for each other. It was hard for me to move on but I did. People helped me out. He helped me out.
    At some point I could say that he was all I needed to get through that rough time. He filled me with smiles and laughter. It made me forget about the pain. During that period, it made me so certain that i really really wanted this. This was all i needed to be okay. But now, I realized you can’t want something too badly. Because it changes who you are. I’ve changed. I did things I normally wouldn’t do and i said things that I normally wouldn’t say. I did all these because i thought I wanted something and I should do every means to get it. At the end, I know that I didn’t want just something, I wanted myself. I wanted to figure out who I was again, who I was as a person, standing independently.
     And so I found myself hurting someone else. I swore to never be that person, but everybody does commit mistakes.
    Right now, I think I could finally say that I know what I want. I underestimated the damage done to me which lead me to not be the best person i could be. I am sorry and I know that this will all come back to me. I have just let go of the best thing that could have possibly happened to me. But I believe that this is what it takes for me to be that person I want to be.
    You’re a good man. We’ll always be friends.

I don’t know if this all sounds selfish and overly dramatic. But please do cut me some slack, I’m just figuring things out. I thought i knew stuff, i thought things were simple but I guess I thought wrong.

Peace.

Lein

sorry.

October 29th, 2007 by uhmmellein

-perfect opportunity to be an asshole.
-becoming a person i swear i never would be.
-hate myself right now.
-no redemption.
-screw it, screw me.
-letting go of the best thing that could’ve happened.
-jerk.

random thoughts

August 18th, 2007 by uhmmellein

`i miss my friends so good..
`earlier, about 9 pm, i was having dinner. No one’s at home. all i could hear was my own chewing of food, the tick of the clock, the purr of my brother’s black cat and the whistle of the wind banging our windows. It was a sad sight, a lonely picture. I felt alone.
`I want to sit and have a meal with my friends, see how we’ve all been after these past couple of months.
`I’ve grown tired of the city life. I want to live back here in Tagaytay. I hate going back to Quezon City just when I started to become all cozy in my home. I’m tired of preparing my meals and eating them alone. I’m going to puke if I eat any more  of those fast food value meals. I don’t want to be independent. I want to be independent. I’m just tired right now.
`I now become nostalgic of my high school days. I just want to bring it all back.
`I pictured eating my fried fish and crab and corn soup with someone who used to be so special to me while I was having dinner earlier.
`I can’t wait for the sembreak, I want to be with them again, just like the old days.

`I miss my family. They are all out tonight. I wonder where they are. It’s sad. I’m lonely. I’m tired. Even too tired to put these thoughts together in descent paragraphs.

*masabi lang na nag-update ng blog

July 19th, 2007 by uhmmellein

walang magawa, matagal tagal na ring hindi nakakapag-update ng blog.. So..anong bago? wala naman masyado. ang hirap na sa school, ang dami nang ginagawa. As in. Parang araw araw kailangan nang mag-aral. Nakakatamad na, huhu. Tuwing sabado may nstp sa umaga tapos pagdating ng hapon nahirit naman yung org ko na may training. Uo, ayun bago! nakasali ako sa entablado, isa sa mga theatre orgs ng ateneo. Hehe. Amazing diba? Isa sa mga pagnanasa kong ngayon lang natugunan. Hehe. Anyway, ayun. Ayos pa naman ang lahat sa buhay. Namimis ko na tagaytay. Ilang linggo na ko di nakakauwi. This week sana makauwi kasi…. kasi….yihee…haha. Basta, ayon. Nakakalungkot.. Namimiss ko na rin mga kaibigan ko nung high school. Totoo. Talagang talaga. Kailan pa kaya kami magkikita-kita ulet. Ang dami kong taong gusto nang makita ulet matapos ang mahabang panahon..hehe. Ang dami kong gustong puntahan at pasyalan, huhu..ang mall hoping namin ni avianne..Hai.. kelan pa kaya.. Ang daming pelikulang di pa rin napapanuod. Goodness. Ang haba na ng listahan. Anyway, ganto raw talaga buhay estudyante sabi niya. Wala na raw magagawa, hehe. Pyn. Ayun lang, sana makarinig ako mula sa mga kaibigan ko. Pero di pa rin sapat yun eh. Huhu. Sa sembreak. sana..sana..
out
~Aneng!

eto na ako ngayon/finale

March 25th, 2007 by uhmmellein

huwow. Ikadalawamput anim na araw na ng buwang marso. Ito ang nararapat na ikalawang taon namin. hehe, ngunit sa kasamaang palad, hindi namin natamo ang ganitong katagal na panahon ng pagsasama. Aba, ang nakaplano kong blog entry ngayon ay yung madrama sana ulit. Magbabanggit sana ako ng iwanan sa ere at iba’t iba pang masasakit na damdamin, ngunit napagtanto ko, Sarili ko na lamang ang pinahihirapan ko sa ganitong pamamaraan ng pag-iisip. Kanina lamang ay nagkausap kami. Tama ang desisyon kong kausapin siya sa ym. mabuting hakbang iyon. Ngayon, kasalukuyan namin pinoproseso at muling binubuo ang aming pagkakaibigan na sinira ng kasinungalingan at pagmamahal,hehe. Umaasa na lamang ako na nagiging totoo siya sapagkat ako’y handa na talagang limutin ang anu mang masalimuot naming nakaraan, hehe. Gusto ko nang pakawalan lahat ng galit at sama ng loob. Kaya kung maaari lang sana, magpakatotoo na tayong lahat. Ayoko nang maging plastik, mabigat lang sa loob eh. Magpakatotoo na tayo, game na ako. Bring it on.. hehe..fight.. Mga kaibigan, diyan lang kayo ah? di ko kasi alam,baka mamaya, nagoyo na naman ako..hehe.. *it ends tonight* Salamat..

                                                                     love,

                                                                     reyna ng quezon city

eto na ako ngayon/part 2

March 24th, 2007 by uhmmellein

Wui, napaaga ata ang muling pagsusulat ko ng blog, hehe. Hai..dami ko pang dapat gawin, as usual, at hindi ko pa ito nauumpisahan. Pero..ngayon..mga saloobin muna, kei?

Akala ko noong una, sapat na ang galit at sama ng loob para mawala na lahat ng nararamdaman, para mamanhid, para magsawa. Akala ko kaya ko na, masyado na akong maraming pinagdaanan sa’yo, sawa na ako sa lahat ng sakit, akala ko iyon na iyon. Akala ko rin, tapos na ko sa’yo. Pero, ang sakit pa rin malaman na binura mo na ang mga litrato ng ating mga alaala at pinalitan na ng iba. *nakanang* Na sa’yo na rin pala ang kagustuhang matapos na tayo. Oo, alam ko, sinabi kong ayoko na, at pinaninindigan ko iyon. Gusto ko na lang maging masaya. Iyon na lang naman ang sa akin. Pero ayokong magkunwari, ayokong lokohin ang sarili ko na ayos ang lahat ng nangyayaring ito. akala ko na sa akin pa siya, pero wala na nga siguro. Mahirap, masakit, pero ito na nga maaari ang tamang hakbang na ginawa niya, ang tuluyan na akong pakawalan at lubayan

Haha, kung may nanunuod sa inyo ng maalaala mo kaya, na pinanood ko noong biyernes ng gabi sa condo ng kaibigan ko habang gumagawa ng papel, makakarelate kayo. Kwintas ang pamagat noong episode, si Sarah Geronimo at John Lloyd ang mga gumanap. Sabi nina aikka at jackie ang corny ko raw at kinikilig ako doon. Ang sabi ko naman, ‘natural, hopeless romantic ako eh.’ Sa loob loob ko naman,ang sabi ko sa sarili ko, ‘wala na kasi yung nagpapakilig sakin dati, iniwan na ko para kay kokak..’ hehe..hai leche..May mga eksena pa doon kung papaano sinuyo ni John Lloyd si Sarah geronimo noong niloko ni john lloyd si sarah nang makipagpustahan siya sa mga kaibigan niya. sobrang panunuyo ang ginawa ni John Lloyd, mala shan cai at dao ming si noong last episode ng meteor garden 1, hai..san ka kaya makakahanap ng ganung fafa noh? yung tatayo sa ulanan hanggang sa mapatawad mo siya.haha..asa pa.. Fafa yol, where are you?????hehe.. anyway.. katulad pa rin pala ako ng ibang babae, naghahanap ng knight in shining armor, naghahanap ng prinsipe. Oo na, sobrang konri at pangkaraniwan, eh bakit ba. Eh sa ganun eh. ‘Hindi niyo kasi ako naiintindihan!’ hehehe. Ang masasabi ko na lamang, eto na ako ngayon! sa tulong ng aking mga kaibigan, this too, shall pass! at makakaget-over din ako sa’yo! hehe.. may magmamahal din muli sa akin nang higit pa sa pagmamahal mo, haha.. at ipagtatanggol niya ako at magpapakabasa siya sa ulan dala ang isang bouquet ng mga bulaklak hanggang sa mapatawad ko siya sa panahong magkaaway kami, haha. *pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan din..lalalalala…* haha..hai.. nakakalungkot..good luck sa finals..galingAN dapat..

….tulong…..fafa, dumating ka na..iligtas mo na ako sa mundong mapang-api..hahaha..hai..

                                                                  love,

                                                                  reyna ng quezon city

Ako ang Reyna ng Quezon City

March 22nd, 2007 by uhmmellein

[Verse 1]
Kailangan ko ng pera
pamasahe’t pambili ng pabango na
gagamitin sa gabing ito
at bilhan mo ako ng salamin
pantingin sa ‘king nagbabalat na skin

[Chorus]
Sapagkat ngayong gabi
ako ang reyna ng

quezon city

ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
‘pagkat sa akin ang gabi

[Verse 2]
At kailangan ko ng shampoo
pampabango at pampahid sa
buhok ko
at lagyan mo ako ng make-up
na babagay sa aking spaghetti
straps

[Chorus]
Sapagkat ngayong gabi
ako ang reyna ng

quezon city

ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
‘pagkat sa akin ang gabi

[instrumental]

[Chorus]
Sapagkat ngayong gabi
ako ang reyna ng

quezon city

ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
‘pagkat sa akin ang gabi

Ihagis mo ang confetti
korona ko na kaylaki
pagka’t sa akin ang gabi

eto na ako ngayon

March 17th, 2007 by uhmmellein

eto na ako ngayon. Gulong gulo at hindi na alam ang gagawin. Ayon sa kanya, ‘parang ang tagal mong kumapit sa wala,’ ayon naman dun sa isa, ‘para kang ginawang laruan na kapag pinagsawaan, iniiwan at kapag gusto na ulit, tsaka babalikan,’ sabi niya, ‘nakikinikinita ko na ‘to. Ang isa naman, ’sobra na kc ehhhh’ ang bigkas niya.

Bakit ako? bakit hindi ko nakita? bakit patuloy akong umasa na magiging ayos din ang lahat? dahil siguro sinasabi rin ng iba na magiging ayos ang lahat, na dapat bigyan pa ng isa pang pagkakataon. Kaibigan nila siya, kaya yun ang sinabi nila. Hindi ko sila masisisi. Pero mali sila,mali ako, mali kami, hindi naging ayos ang lahat. Pare-pareho kaming kumapit sa kasinungalingan niya. Kumapit nga rin ba sila? o ako lang? ako nga lang. Dahil hindi naman sila ang kasali sa relasyon. Sabi ko sa kaibigan ko, ‘hindi ba pedeng apat kayo sa relasyon? para kapag nasaktan ka na ng sobra, may kakapitan kang makakaintindi talaga sayo.’ tumawa siya, napangisi. Kakat’wa nga siguro. Kasi sa totoo lang, walang makakaintindi sa’yo, wala talaga, dahil hindi nila pinagdaanan ang pinagdaanan mo. Hindi sila ang nakisama, hindi sila ang nasaktan. Pero eto na nga ako ngayon. Masasabi kong nasira talaga ako. at siya ang sumira sa’kin. Kinuha niya lahat lahat atsaka ibinasura sa mukha ko. nasayang ang mahigit dalawang taon ng pagsasama dahil sa hindi niya pagpapahalaga.

Pinilit mong maging tama, pinilit mong intindihin pero hindi iyon naging sapat para sa kanya. Kinailangan niyang ipagpalit ka at lokohin muli, pagkatapos niya sabihing huli nang pagkakataon yung huli. Ang saklap. ‘Bakit ako pa ang pinili mong lokohin?’sasabihin mo sa sarili mo.

pero ang pinakamasaklap, ang pinaka hindi kainti-intindi ay ang kagustuhan niyang makipagbalikan ngayon samantalang kagabi ay ‘they unite’ (whatever that means..). malinaw na may gusto siya doon. ang mga larawan at mismong mga sinasabi niya sa akin ay walang ibang idinidikta kung hindi, ‘gusto ko siya.’ pwes, magsama kayo. Hindi na ako magpapakatanga. Nagawa mo nang pagmukhain akong tanga sa mga kaibigan mo, sa’yo at higit sa lahat, sa sarili ko. Oo na. Magaling ka na. Nakapagpapapikot ka na nga tao. May kinabukasan ka nga sa abogarsya. Ayoko sanang mang-away. Gusto ko nang manahimik pero bakit ikaw pa ang nanggugulo. Nasaktan na ako, ang gusto ko na lang ay makabangon sa pamamagitan ng sarili kong lakas. Bakit hindi mo pa ako mapagbigyan. Bakit pati yung natitira sa akin ay pinipilit mo pang kunin.

ang drama, oo na. wala kasing aesthetic distance, ayon kay fafa yol. Hindi nararamdaman ng mambabasa ang nag-uumapaw na emosyon ko. nagiging rant daw, ayon muli kay fafa yol. Pero bahala na. Eto na nga ako ngayon. Sira na ako, umaasang maging maayos muli. Sana may tumulong pero tingin ko, dapat ayusin ko muna ang sarili ko nang mag-isa. Para maging mas matatag. Sana lang andiyan pa rin yung mga kaibigan kong makakapitan ‘when the going gets tough, and the tough gets going’ kasi minsan, may mga panahong hindi na talaga kaya. Masyado na.. Sobra na.. Salamat sa mga andun noon. Salamat sa inyong mga nagsabi ng mga katagang nasa ibabaw.

at ako, ang masasabi ko na lamang ay…huhuhuhu…at…..kokak, kokak, kokok… mabuhay kayo.